Lunes, Abril 17, 2017

Ako pa ba O May iba ka na?

Sa bawat sulyap at mga nakaw na tingin
Hinihiling at inaasam na ika'y makapiling
Pintig ng puso'y iyong dinggin
Sa aki'y makinig at tumingin

Walang papantay sayo, oh aking sinta
Ikaw! ikaw lang at wala ng iba
Aarugahin at mamahalin ka ng lubos
Pagka't saking puso ika'y walang katuos

Ngunit, bakit? Bakit parang lumabo na
Iyong pagtingin sa aki'y biglang naglaho na
Ako pa ba? O may bago ka na?
Sabihin mo na para di ako umasa pa.

Tila'y isang kidlat na kay bilis
Iyong pag-ibig saki'y biglang nalihis
Ang dating kislap ng yong mapupungay na mata
Ngayo'y parang nagsasaad ng "h'wag na, tama na!"

Ngunit bakit? Anong aking nagawa?
Para pag-ibig mo'y biglang nawala?
Sobra ba o sadyang kulang talaga,
mga pagmamahal at kalingang naipadama

Sakin ba'y may mali
O sadyang ikaw lang ang may saltik
Ako pa ba o may iba ka na?
Pwede bang sabihin mo na habang maaga pa.

Mahal kita maniwala ka,
Ito'y totoo oh aking sinta!
H'wag ka namang mawala
Ako nalang, 'wag na siya!




check this out! https://bubblyzyra.wordpress.com/






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento