Lunes, Abril 17, 2017

Ang Kabiguan

Ang sarap naman ng unang pagmamahalan,
Mundo'y umiikot sa bawat tawanan,
Tila ngiti sa labi ay walang hangganan,
Pagod ay napapawi sa bawat halikan.

Ngunit hindi ba nila nalalaman?
Lahat ng bagay may dulong nakalaan,
Bawat saya may katapusan,
At sa hindi inaasahan ito'y natapos na.

Ang dating ngiti sa aking labi
Ngayo'y napalitan na ng hapdi.

Pero sino nga ba ang may alam ng kasagutan?
Sana naman ako'y napaalalahanan
Upang hindi masaktan ng biglaan

Upang mabatid ko na sa bawat hakbang
May nag-aabang na hagdan
Patungo sa pinakamasakit na parte ng aking buhay.



check this out! https://bubblyzyra.wordpress.com/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento